"para hindi ma-lito ang mambabasa ibunukod ko ang mga parte ng LARGE TOOL SET ng mas spesipiko kaysa sa imaheng makikita sa part 3,2nd image "http://faculty.unlv.edu/jensen/html/Google/SketchUp/img/SULargeToolSet.png" sa tutorial series na ito"
SHAPE TOOL
ang shape tool ay binubuo ng tatlong tool ang
Circle, Rectangle at
Polygon.
CIRCLE TOOL
ang circle tool ay isa sa matatawag kong parte ng curve series ng large tool set ibigsabihin ay isa ito sa marami pang tool na nakakalikha ng kurbang hugis, plane at linya.
katangian:
- click-move-click gamit ang left mouse button i-click ang ninanais na gitna o center ng bilog at mula rito ay iguhit ang "radius" ng bilog.
- axes lines, line dots and measurement board gaya ng line tool ang radius ng circle ay para ring pag guhit ng isang linya magtungo sa part 5 at 6 ng tutorial series na ito upang mas malinawan.
RECTANGLE TOOL
ang rectangle tool ay hindi lang tumutukoy sa hugis na nakasaad kundi ay sa square.
katangian:
- click-move-click tulad ng circle ang rectangle tool ay magagamitan rin ng katangiang ito.
- square o rectangle? hindi gamit ang measurement board ay malalaman rin ng mambabasa kung square ba o rectangle ang kanyang nalilikha,
rectangle: square:
mapapansing sa square ay lulutang ang isang "imaginary line" at "dialouge" na nagasabing ang hugis ay square.
- measurement board eksakto ang rectangle tool ay magagamitan rin ng measurement board tulad ng line tool sa part 5, ang pagkakaiba nga lang ay kinakailangan ng rectagle tool ng dalawang sukat na pinaghihiwalay ng " , " sa measurement board at kung iisang sukat naman ang iyong nilagay gamit ang tool na ito automatic itong magiging rectagle gamit ang iisang sukat na iyong nai-type.